Home Celebrities Naisahan kayo! Relo ni Sen. Bato na diumano’y P360-M, nasa 14,000 pesos lang pala

Naisahan kayo! Relo ni Sen. Bato na diumano’y P360-M, nasa 14,000 pesos lang pala

0

Mariing itinanggi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na mayroon siyang Patek Philippe Nautilus na aabot sa tumatagingting na halagang 357,720,000 pesos.

Nag-umpisa ang isyu matapos ibahagi ng @watchspotterph ang isang larawan ni Dela Rosa kung saan ay soot soot nito ang isang relo kung saan ay sinabi nila na gawa ng luxurious watch company.

Patek Philippe Nautilus ref. 5711/1A-018 Tiffany & Co.

“Ronald Marapon dela Rosa, also known as Bato, is a Filipino politician and retired police officer who is currently serving as a senator of the Philippines with his Patek Philippe Nautilus ref. 5711/1A-018 Tiffany & Co.

Price: 2,750,000 PHP
Market Value: 357,720,000 PHP December 2021.”

Screencap ng post mula sa @watchspotterPH

Agad naman itong itinanggi ni Dela Rosa at sinabi na hindi Patek Philippe ang kanyang nasabing relo kundi ‘seikopatik’ o Seiko na relo.

“Sa mga ulol dyan na marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na seikopatik na 14k php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Ha ha ha,” sabi ng senador.

Ibinahagi pa nito ang isang larawan niya upang patunayan na gawa nga ng Seiko ang nasabing relo.

Larawan mula kay Sen. Bato dela Rosa

Ayon sa kanya ay ibinenta lamang sa kanya sa halagang 14,000 ang nasabing relo.

“Yang relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dlrs at wala ka pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing japan na dala dala yan at ibinenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Ha ha ha,” kwento ng senador.

Sa ngayon ay binago na ng nasabing page ang kanilang post tungkol kay Dela Rosa at itinama na ang impormasyon.

Hindi ito ang unang beses na inakusahan si Dela Rosa ng pagsosoot ng mamahaling mga gamit.

Matatandaan na nitong Marso ay inakusahan ni Gretchen Barretto si Dela Rosa ng pagsosoot ng mamahaling relo.

READ MORE: Dela Rosa sinagot si Gretchen: “Siya lang ba ang may karapatan magsuot ng mahal na relo?”

Pero ayon sa senador ay nasa halagang 85,000 pesos lamang ang kanyang relo na maikokonsiderang mura para sa isang retiradong pinuno ng PNP.

“Unang-una sinabi niya mahal daw ang relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng 85,000 na halaga ng relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga ‘yun para sakin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila ‘yun,” ani Dela Rosa.

 

Facebook Comments