HomeCelebritiesPokwang, pinangaralan si Ella Cruz: "Mabuti pang ibalik na kitang muli sa...

Pokwang, pinangaralan si Ella Cruz: “Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat”

Pinangaralan ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ang kanyang dating kasamahan na si Ella Cruz.

Matatandaan na inuulan ngayon ng batikos sa social media si Ella dahil sa kanyang komento tungkol sa kasaysayan.

Si Ella ay parte ng kontrobersyal na proyekto ni Darryl Yap na ‘Maid in Malacañang’.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.” ani Ella.

Nagbigay naman ng payo si Pokwang kay Ella na naging anak niya sa programang ‘Aryana’.

Biro pa ni Pokwang ay ibabalik niya na dagat si Ella na isang sirena sa nasabing programa upang tumalino ito.

“Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana,” sabi ng komedyante.

Hati naman ang opinyon ng mga netizens sa payong ito ni Pokwang sa dati niyang kasamahan.

“Well that’s her opinion, and everyone is entitled to it but, describing her that she needs more “talino” is like off guard. Maybe you should know better maam.” sabi ni @oniesensei23.

“Salamat po napag bigyan mo ng magandang advice c Aryana.. love na love ko tandem niyong mag nanay,” wika ni @cloviecerbo6

Sa ngayon ay hindi parin nagbibigay ng tugon si Ella tungkol sa nasabing isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular