Home Celebrities Korona ni Citizen Leni, labag diumano sa batas ayon sa isang netizen

Korona ni Citizen Leni, labag diumano sa batas ayon sa isang netizen

0

Ibinida sa launching ng Angat Pinas Incorporated (API) ang ilan sa mga bagay na iniregalo kay dating Vice President Leni Robredo nitong nakaraang halalan.

Isa sa mga pinaka pinag-usapan ay ang korona na likha ni Jez Sto. Domingo kung saan ay nakalagay pa ang simbolo ng Pangulo ng Pilipinas.

Ngunit ayon sa isang netizen ay posibleng labag sa batas ang hindi otorisadong paggamit ng presidential seal.

“While we shouldn’t rain on your little parade, we need to fervently remind you that you might be in violation of Article 179 of the Revised Penal Code and Executive Order 141.” sabi ni netizen Bubuy Balangue.

“Just in case someone or an entity files a case against you, the one who received it, and the one who gifted this tacky memento, you know why. So Jez Sto Domingo, heads up lang.
You can double-check with your legal team. For now, this crowning glory of yours will forever be sealed in the cloud.” dagdag niya pa.

Ayon sa batas ay tanging ang Pangulo lamang ng Pilipinas ang maaring makagamit ng presidential seal.

Hindi maaring ilagay ang presidential seal sa mga “sticker, stamps, business cards, passes, car plates, clothing, tokens, souvenirs at stationeries” ng walang pahintulot.

Naniniwala rin ang ilang kritiko ni Robredo na labag sa batas ang nasabing korona.

“ETO ANG OUTRIGHT DISRESPECT SA PRESIDENTIAL SEAL AND CAN BE PUNISHABLE BY LAW,” sabi ni Robert Tuazon.

“May mga tao hanggang ngayon ay mahirap tanggapin ang pagkatalo at patuloy na naghihimotok sa matinding inggit kaya kung ano ano na lang mga kababalaghan ang naiisip gawin para sa kanilang illusions.”¬†ani Michelle Sy.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Angat Buhay sa nasabing isyu.

Facebook Comments