Home Social Media JV Ejercito, hiling kay BBM na ipagbawal ang ‘wangwang’: “Parang naging uso nanaman”

JV Ejercito, hiling kay BBM na ipagbawal ang ‘wangwang’: “Parang naging uso nanaman”

0

Hiniling ni JV Ejercito kay Pangulong Bongbong Marcos na sana’y gayahin nito ang ginawa ni dating pangulong Noynoy Aquino na ipinagbawal noon ang mga ‘blinkers at wangwang’.

Matatandaan na tila nauuso na muli sa social media ang mga motorista na gumagamit ng wangwang upang ipaalam sa publiko na VIP sila at dapat silang palusutin sa traffic.

Ayon kay Ejercito ay dapat matataas lamang na opisyal ang gumagamit nito.

“Sana ipagbawal ni PBBM mga naka blinkers, wangwang at may mga escorts na nakawangwang. As far as I know only the President, VP, Senate President, Speaker and SC Justice entitled to motorcycle escort convoy.” hiling ni Ejercito.

“Nagawa ito during PNoy’s time. Parang naging uso nanaman.” dagdag niya pa.

Ito rin ang tingin ni Sen. Sherwin Gatchalian.

“That’s what I noticed din Bro. Dami feeling VIP nanaman.” sabi ni Gatchalian.

Ilang netizen naman ang sinabi na responsibilidad ng mga senador na gumawa ng batas upang mapigilan na ng tuluyan ang mga nagwa-wangwang.

“Sir, mawalang galang na po, eh senador po kayo. Pwede po kayong mag akda Ng batas about it. Wag nalang po sana tayong umasa sa ibang tao. That issue can be one of your legislative agenda in the Senate. Suggestions lang po. Salamat.” sabi ni netizen @MasterJaia.

Sagot naman ni Ejercito ay nasa implementasyon ng batas ang kasagutan.

Wala pang tugon si Marcos sa hiling ni Ejercito.

Facebook Comments