Home Celebrities Imelda Marcos hindi maitago ang saya: “Ako lang ang nanay ng presidente at asawa ng isang presidente”

Imelda Marcos hindi maitago ang saya: “Ako lang ang nanay ng presidente at asawa ng isang presidente”

0

Hindi maitago ni dating first lady Imelda Marcos ang kanyang saya sa ika-93 niyang birthday party na ginanap sa Malacañang.

Ibinahagi ni Sen. Imee Marcos ang mga nangyari sa party ng kanyang ina sa Palasyo.

“We had a simple family and friends get-together. We just had a small get-together, and her musical and arts scholars performed a small recital for her. And she was very, very pleased.” sabi ni Marcos.

Itinanggi rin nito na ginamit nila ang kaban ng bayan upang may maipanghanda sila sa Malacañang.

“I don’t think that’s the case. Everyone brought food as a matter of fact. It was quite funny. At saka libre naman lahat ng produkto. Bawal ba ‘yun?” paliwanag pa ng senadora.

Tinawag naman ng dating unang ginang ang kanyang sarili na “happiest person in the world” dahil sa dalawa na ang miyembro ng pamilya niya ang presidente at nasaksihan pa niya ito.

“Ako lang ‘yung naging nanay ng iasng presidente, na dating asawa ng isang presidente, at buhay pa ko,” sabi ng unang ginang.

Matatandaan na binatikos ng ilang grupo kasama na ang Gabriela ang ginawang pagdiriwang ng mga Marcos sa loob ng palasyo.

“The Marcos family lavishly celebrated Imelda Marcos, wife of the dictator’s birthday inside the Malacañang Palace while Filipinos are suffering from severe hunger and poverty due to the crisis.” sabi ng tagapagsalita ng Gabriela na si Clarice Palce.

Facebook Comments