Home Celebrities Erwin Tulfo may babala sa “matataray” na trabahador ng DSWD: “Suspensyon po ang katapat nito”

Erwin Tulfo may babala sa “matataray” na trabahador ng DSWD: “Suspensyon po ang katapat nito”

0

Binalaan ni Erwin Tulfo ang mga nagta-trabaho sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi sila dapat magpakita ng masamang pagtrato sa mga humihingi ng tulong sa kanila.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Tulfo na kailangang maayos ang pagtrato ng mga taga DSWD sa mga gustong lumapit sa kanila.

Kung mapapatunayan naman diumanong nagpakita ng masamang ugali ang empleyado ng DSWD sa isang nahingi ng tulong ay pansamantala muna silang mawawala sa trabaho.

“Simula po ngayong araw, ayoko na pong makarinig ng tinarayan, sinigawan, o binastos ng empleyado natin ang mga lumalapit sa ating ahensya para humingi ng tulong. Suspensyon po ang katapat nito,” ani Tulfo.

“Tratuhin po natin nang maayos at alagaan ang mga klyente o mga customer natin na mga ito,” dagdag niya pa.

Naniniwala si Tulfo na kahit na hindi porket mahihirap lamang ang mga humihingi ng tulong sa kanila ay maari na silang maliitin ng mga nagtatrabaho sa DSWD.

“Dahil po ang mga mahihirap ‘yang mga lumalapit po sa atin ay mahihirap, mga single mom, matatanda, PWDs, may mga sakit, mga katutubo, mga batang palaboy o inabandona, ay mga kliyente at customer po ng ahensyang ito. ‘Di po natin sila puwedeng balewalain at bastusin na lang,” sabi pa ng dating mamamahayag.

Facebook Comments