Home Celebrities Ella Cruz, isinara na ang kanyang comment section sa publiko

Ella Cruz, isinara na ang kanyang comment section sa publiko

0

Isinara na ni Ella Cruz ang kanyang mga social media accounts sa publiko matapos siyang ulanin ng batikos dahil sa kanyang komento tungkol sa kasaysayan.

Sa ngayon ay bawal na munang magkomento ang mga netizens sa Facebook at Instagram pages ng aktres.

Gumaganap si Ella bilang Irene Marcos-Araneta sa pelikulang Maid in Malacañang ni Darryl Yap.

Nag umpisa ang isyu matapos ang sagot ni Ella sa panayam sa kanya ng TV5 tungkol sa natutunan niya sa nasabing pelikula.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.” ani Ella.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there (was) so much pressure on their side during those times?” dagdag niya pa.

 

 

Hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita si Ella tungkol sa pambabatikos na kanyang natatanggap sa social media.

Inaasahan na ipapalabas na sa mga sinehan ang nasabing pelikula ngayong buwan.

 

 

Facebook Comments