Home Celebrities Bato dela Rosa may banat sa mga Kakampink: “Let them feed their ego and fantasy.”

Bato dela Rosa may banat sa mga Kakampink: “Let them feed their ego and fantasy.”

0

May banat si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo na tila hanggang ngayon ay hindi parin maka move-on sa naging resulta ng halalan 2022.

Sa kanyang comment sa netizen na si MJ Quiambao Reyes, tinawag ni Dla Rosa na mga desendyente ng Japanese soldier na si Hiroo Onoda ang mga Kakampink.

Si Onoda ay sundalo noong World War 2 na kahit na 29 taon ng tapos ang gera ay hindi parin sumuko at kailangan pang puntahan ng kanyang mga kasamahan para makumbinsi na natalo na sila.

“Hanggang dyan na lang ba sila? Mga descendants ata sila ni Hiroo Onoda, the last Japanese straggler who refused to surrender and kept on believing that WW2 was still going on.” sabi ni Dela Rosa.

Sinabi din ni Dela Rosa na hahayaan niya na lamang ang mga ginagawa ng mga Kakampink ngayon.

“Huwag na pabayaan mo na lang sila. Let them feed their ego and fantasy. Parang consuelo de b*b* na lang para sa kanila. Be kind to the needy.” sabi pa ng senador.

Matatandaang ibinahagi ni Reyes ang larawan ng korona na gawa ng mga tagasuporta ni Robredo kung saan ay nakalagay ang presidential seal.

Tinawag naman itong iligal ng ilang mga kritiko ni Robredo at sinabi na hindi dapat ginagamit ang presidential seal ng mga hindi naman pangulo.

Facebook Comments