HomeCelebrities75k per month ang sweldo! Anna Feliciano, naghahanap ng mga bagong Wowowin...

75k per month ang sweldo! Anna Feliciano, naghahanap ng mga bagong Wowowin Dancer para sa AMBS

Naghahanap muli ng mga bagong dancer ang choreographer ni Willie Revillame na si Anna Feliciano.

Sa kanyang Facebook post, inanunsyo ni Feliciano ang kanyang paghahanap sa mga bagong magiging parte ng show ni Willie Revillame na posibleng ipalabas sa AMBS o kilala bilang Villar Network.

Ayon sa kanya ay kinakailangan ng 20 dancer ang Wowowin.

Eto ang mga requirements ayon kay Feliciano:

• 16-23 years old
• at least 4’8″ in height
• long black hair
• fully vaccinated
• no visible large tattoo
Ang magiging buwanang sweldo ng mga nasabing dancer ay aabot sa 75,000 pesos at mayroon pa itong dagdag kung lalabas sila sa mga programa ng AMBS.
“Hindi ko kailangan ng napakagaling sumayaw. Laging mas angat ang may magandang attitude.” ani Feliciano.
“Ang mga dancers ay mag-extra extra din sa mga AMBS sitcoms. (with additional pay and tv exposure)” dagdag niya pa.

Inaasahan na sa Septyembre ay magbubukas na ang AMBS sa national television.

Kay Willie Revillame na isa sa mga executive ng nasabing tv station ang nagkumpirma ng balita.

Mapapanood ang mga programa ng AMBS sa channel 2 na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Posibleng may ilang mga taga ABS-CBN ang lumipat sa nasabing network lalo na’t hindi na napapanood sa national television ang Kapamilya Network at umaasa nalang sa mga partnership.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular