HomeSocial MediaTiburcio Marcos Tallano, binati ang kanyang "kapatid" na si PBBM: "Para ito...

Tiburcio Marcos Tallano, binati ang kanyang “kapatid” na si PBBM: “Para ito sa ating pamilya”

Binati ni HM King Tiburcio Villamor Marcos Tallano Tagean IV ang kanyang diumano’y ‘kapatid’ na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagiging lider nito ng bansa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tiburcio na masaya siya sa pagkapanalo ng kanyang kapatid na kanyang ipina-disqualify nitong nakaraang taon.

READ MORE: Bongbong Marcos, ipinapa-disqualify ng isang kandidato dahil ‘impostor’ daw ang BBM na nakikita ng publiko

“Sa aking kapatid Bong Ferdinand Romualdez Marcos, brother Bong congratulations sa pagkapanalo mo,” ani Tallano.

“Andito ako na ready, willing and able na susuporta sa administrasyon mo, gagawin ko lahat ang kaya ko para maitaguyod natin ang 100 million Maharlikan Ophirian Filipinos,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay susuportahan niya si Marcos para sa “kanilang pamilya”.

Matatandaan na pinapa-disqualify noon ni Tiburcio si BBM dahil sa impostor daw ang tumatakbo noon sa pagkapangulo.

Nagpakilala din si Tiburcio na anak ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa prinsesa ng espanya na si Princess Isabel III.

Dahil dito ay tagapagmana diumano si Tiburcio ng 400 metric tons na ‘Tallano Gold’ na ilang beses nadikit sa pamilya Marcos.

Sa katunayan ay namimigay na ngayon ng certificate sila Tiburcio sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

jonie dano 1
Larawan mula kay netizen Jonie Dano

Makakatanggap ng 100,000 USD o 5.5-M pesos ang mga may hawak ng nasabing certificate na kukunin daw sa mga “gold” na pagmamay-ari ni Tiburcio Tallano.

screencap 2022 07 03 at 6.38.16 PM
Larawan mula kay Jonie Dano

Hindi naman malaman kung totoo nga bang makakatanggap ng salapi ang nabiyayaan ng certificate.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular