Home Celebrities Skusta Clee humingi ng paumanhin sa nagawa: “Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang hindi”

Skusta Clee humingi ng paumanhin sa nagawa: “Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang hindi”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang rapper na si SKusta Clee sa isyu na kinakasangkutan niya matapos siyang akusahan ng pagtataksil ng kanyang dating partner na si Zeinab Harake.

Humingi ng paumanhin sa mga fans si Skusta at sinabi na haharapin niya ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

“Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay,” ani SKusta.

“Though pinagsisihan ko ‘yung mga naging consequence, pangit din naman talaga ‘yung naging resulta. Tinanggap ko ‘yung mga siyempre naging kapalit. Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong ayun naman talaga yung dapat mangyari sakin,” dagdag niya pa.

Skusta kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Aira Mae Lipata

Iginiit niya naman na may mga personal siyang rason kung bakit niya nagawa ang pag-iwan kay Zeinab at sa kanyang anak ngunit hindi niya na ito ibubunyag bilang respeto sa kanyang dating partner.

“Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa ‘yun. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din. Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman yun. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa ‘yun,” paliwanag ng rapper.

Naniniwala naman si Skusta na maari niya paring magampanan ang isang pagiging mabuting ama sa anak niya kahit na hiwalay na sila ni Zeinab.

Matatandaan na malaki ang naging epekto ng isyu sa career ni Skusta.

Nitong mga nakaraang concert niya ay hindi ito nakaiwas sa pambabatikos ng mga manonood.

Facebook Comments