Home Celebrities Sen. Robin Padilla, magiging parte ng pelikulang ‘Maid in Malacañang’

Sen. Robin Padilla, magiging parte ng pelikulang ‘Maid in Malacañang’

0

Ibinahagi ni Direk Darryl Yap na magiging parte si Senador Robin Padilla ng kanyang kontrobersyal na pelikula na ‘Maid in Malacañang’.

Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni Yap ang pagiging parte ni Padilla ng nasabing pelikula.

Gaganap bilang isang sundalo si Padilla sa pelikula na tungkol sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacañang.

“Yes. Senator Robin Padilla in #MAIDinMALACAÑANG,” ani Darryl sa kanyang Facebook post.

Ipinagmalaki naman ni Yap na kasama niya sa proyekto si Padilla at Cesar Montano na parehong mahuhusay na aktor.

“With Rizal and Bonifacio.”

“Waway and Anak ni Baby Ama.”

“With a Commander in Chief and a Filipino Soldier.”

“Pangatlong Taon ko pa lamang sa Industriya, sobrang laking karangalan,” sabi pa ng direktor.

Ito ang magiging pinakaunang pelikula ni Padilla bilang isang senador.

Hindi naman diumano ito makakaapekto sa trabaho ng senador lalo na’t saglit lamang ang production ng nasabing pelikula.

Inaasahan na ngayong buwan ay ipapalabas na ang nasabing pelikula na umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media dahil sa ilalabas diumano ng mga Marcos ang kanilang istorya bago sila mapatalsik sa Malacañang.

May ilan kasing may suspetsa na susubukang baguhin ng mga Marcos ang kasaysayan, ngunit itinanggi na ito ng ilan sa mga miyembro ng nasabing pamilya.

 

 

Facebook Comments