HomeCelebritiesParty ulit! Dating First Lady Imelda Marcos, ipinagdiwang ang kaarawan sa Malacañang

Party ulit! Dating First Lady Imelda Marcos, ipinagdiwang ang kaarawan sa Malacañang

Sa ikatlong araw ng pagkapangulo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay isa nanamang party ang ginanap sa Malacañang.

Nitong Hunyo 2 ay makikita ang ilang larawan ng pagdiriwang ng kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos sa loob mismo ng palasyo na kanilang tirahan ng ilang dekada.

Ilang mga kaibigan at kamag-anak ni Marcos ang ibinahagi ang ilang larawan na kuha sa kaarawan ng dating First Lady.

Sa larawan na ibinahagi ni Michael Manotoc na apo ng dating unang ginang ay makikita ang presidente na nagtatalumpati sa harap ng mga bisita ng kanyang ina.

screencap 2022 07 03 at 6.09.26 PM

Ibinahagi din ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba ang pagtanggap ng mag-inang Marcos ng regalong painting mula sa kanilang bisita.

“Wishing our Aunty, the First Mother (FM) now, FM Imelda Romualdez Marcos all the best on her 93rd birthday,” sabi ng kongresista sa kanyang Facebook post.

screencap 2022 07 03 at 6.09.31 PM

Tumanggi naman ang Malacañang na maglabas ng impormasyon tungkol sa nasabing party ni Marcos.

“We will only be releasing statements on issues where public interest/welfare is involved,” ayon sa pahayag na inilabas ng Office of the Press Secretary.

screencap 2022 07 03 at 6.11.10 PM

Inulan naman ng batikos sa social media ang nasabing birthday party.

Let’s cancel the cabinet meeting and drop a birthday party for imelda marcos. Filipinos still blinded of how f***ed up the Marcoses.” sabi ni @attyandyph.

Any events that happens inside Malacanang is a public interest…also, what right does Mrs. Imelda Marcos has to use the palace for her 93th birthday party?” wika ni @missa_mnlph.

“Using taxpayers’ hard earned money to throw a party (lavish or not) for Imelda Marcos, known for ostentatious display of wealth not her own, is a matter of public interest.” komento naman ni @mmafelicios.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular