HomeCelebritiesManager ni EXB itinanggi na 100 lang ang pinapasweldo niya: "Siguro na-miss...

Manager ni EXB itinanggi na 100 lang ang pinapasweldo niya: “Siguro na-miss lang nila na mangalakal”

Itinanggi ng management ng mga influencer na sina EXB at Analyn ang akusasyon na isang daang piso lamang ang pinapasweldo niya sa kanyang mga alaga.

Sa kanilang live video, ipinaliwanag ng Trends Production kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nakita si EXB at Analyn na nangangalakal kahit na kumikita na sila sa kanilang mga content sa social media.

Matatandaan na kinagiliwan ng mga netizens si EXB at Analyn na binuo ang ‘Dugyot Serye’.

dugyot serye 1

Hinamon ng manager ang mga netizens na ipagtanong kung paano niya inasikaso si EXB at Analyn at huwag magpapaniwala sa mga tsismis.

Ayon sa kanya ay laging advance ang pasweldo niya kahit na masakit sa kanya ito.

Nagbanta rin ito na magsasampa ng kaso laban sa netizen na si Jvany Aquino Oja na nag-upload ng video kung saan makikita ang mga influencer habang nangangalakal.

“Paninirang puri po ‘yan, ilalapit po namin ‘yan sa mas marunong (abogado) may kaso po ‘yan,” sabi ng manager.

Ibinahagi din nito ang kwento kung bakit nagpasyang mangalakal ang dalawa niyang alaga.

“Umuwi po sila sa Malanday, si Analyn at si EXB hindi pa yan nagba-vlog, hindi pa nagba-viral yan ay nangangalakal na ‘yan,” aniya.

“Bilang kinalakihan nilang trabaho, siguro na-miss nila [na mangalakal].” dagdag niya pa.

Kinausap na rin ng manager ang mga magulang ni EXB at sinabi na tumakas diumano ito sa kanilang bahay sa Malanday upang mangalakal.

“Na-tripan mangalakal, kaya nangalakal ‘yun ang sabi ng magulang,” aniya.

Sa ngayon ay inaabangan sa social media kung ipapa-Tulfo nga ba ni EXB ang kanyang manager.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular