Home Celebrities Internet couple na nasa likod ng ‘Dugyot Serye’ P100 lang diumano ang sinasahod sa manager

Internet couple na nasa likod ng ‘Dugyot Serye’ P100 lang diumano ang sinasahod sa manager

0

Ikinagulat ng mga netizens ang kasalukuyang kalagayan ngayon ng internet celebrity couple na sina EXB at Analyn na matatandaang naging sikat na sikat sa social media dahil sa kanilang ‘Dugyot Serye’ videos.

Sa post na ibinahagi ni Jvany Aquino Oja ay makikita si EXB kasama si Analyn na nangangalakal na lamang kahit na dapat ay maganda na ang buhay nila dahil sa pagiging influencer nila.

Ayon kay EXB ay napilitan siyang mangalakal dahil sa P100 lamang ang sinasahod nila sa kanilang manager sa kabila ng libo libong views na nakuha nila online.

Sa ngayon ay nagdadalang tao rin si Analyn kaya’t wala siyang magawa kundi ang mangalakal.

Ibinahagi din niya na mayroon na silang sariling channel dahil sa ginawa sa kanila ng kanilang manager.

Hindi naman nakapagpigil ang mga netizens sa ginawa diumano ng manager ni EXB at hinimok ang influencer na ipa-Tulfo ang namamahala sa kanya.

Ibinahagi naman ng Trends Production na humahawak sa EXB ang kanilang paliwanag at itinanggi na 100 lamang ang pinapasahod nila sa kanilang alaga.

Ayon sa manager nila ay nangangalakal na talaga noon pa si EXB at Analyn at hindi na talaga nila ito maiwan kahit na sila’y sikat na sa social media.

“Siguro na-miss lang nila [mangalakal]” sabi ng manager ng influencer.

Facebook Comments