HomeCelebritiesCesar Montano, inamin na mas mahirap gampanan ang role bilang FEM kaysa...

Cesar Montano, inamin na mas mahirap gampanan ang role bilang FEM kaysa kay Jose Rizal

Inamin ng batikang aktor na si Cesar Montano na mas mahirap gampanan ang role ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kaysa sa kay Jose Rizal at andres Bonifacio.

Sa pahayag niya, sinabi ni Montano na pagsubok sa kanya kung paano niya mabibigyan ng hustisya ang role bilang FEM sa pelikulang ‘Maid in Malacañang’ ni Darryl Yap.

“I’ve done movies on national heroes like Jose Rizal and Andres Bonifacio, but kakaiba ito kasi it is all about the last 72 hours of the Marcoses before they left Malacanang in 1986,” ani Cesar.

Cesar 1

“Never kong naisip na gagampanan ko pala siya balang araw. Like him, I care for agriculture because I love farming and planting.” dagdag niya pa.

Kwento niya ay kinailangan niya pang kausapin ang mga miyembro ng pamilya Marcos bilang parte ng kanyang pananaliksik para sa role niya.

“I tried to do more research on FM but kakaunti lang ang available na videos on him, so I want to talk to Sen. Imee Marcos so I can ask her about how her father felt at that time, para naman I can give justice to the role,” pagbabahgi niya pa..

jose rizal 1

“I have questions for her (Sen. Imee) and I know her input will be really valuable kasi sila talaga ang magkakasama noong mga panahong yun. Yung last 72 hours na nasa Malacañang sila prior to their departure,” dagdag niya pa.

Gumanap si Cesar na Jose Rizal noong 1998 na hindi maikakailang hinakot ang awards ng MMFF.

Noong 2012 naman ay gumanap naman nilang Andres Bonifacio ang aktor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular