HomeCelebritiesStaff ni Citizen Duterte, may mensahe sa kanyang boss: "You pay more...

Staff ni Citizen Duterte, may mensahe sa kanyang boss: “You pay more attention to your staff than to yourself”

Punong puno ng pasasalamat ang mga dating staff ni ex-President Rodrigo Duterte sa kanilang boss.

Ibinahagi ni Presidential Protocol Director II Jasmin Egan kung ano nga bang klaseng boss ang dating pangulo na nagtapos na ang termino nitong nakaraang Hunyo 30.

Ayon sa open letter ni Egan ay mas inuuna pa diumano ng pangulo ang kapakanan ng kanyang mga staff kaysa sa sarili niya.

Hindi rin daw nila narinig na nagreklamo si Duterte tungkol sa kanyang trabaho kahit na halata na napapagod na ito.

“Surprisingly, no one’s ever heard you complain. Not once have we heard you upbraid,” paumpisa ni Egan.

“Instead, you pay more attention to your staff than to yourself. Though you don’t get to sleep nor eat as much because you always think about work, you always ask if we’ve already eaten or if we’ve gotten enough sleep.

“The energy you exude is like that of a newly released machine. Your employees may tire out doing their daily tasks, but you, we know you’re tired, yet you’ve never appeared tired to us.”

screencap 2022 07 03 at 1.20.43 AM

Ipinasilip din ng opisyal ang ilan sa mga ginawa nila bago matapos ang termino ni CRRD.

Ipinakita rin nila ang tattoo na hango sa pirma ni dating Pangulong Duterte.

screencap 2022 07 03 at 1.24.13 AM

Hindi naman maikakaila na marami ang nalungkot sa pagtatapos ng termino ni Duterte at hindi lamang ang kanyang mga staff.

Sa ngayon ay hindi parin nakikita sa publiko ang pangulo na sinabing ibubuhos ang kanyang oras sa pagpapahinga at sa pagmomotorsiklo matapos ang anim na taon niyang pagtatrabaho bilang lider ng bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular