Home Celebrities Pia Hontiveros, napagkamalang si Risa Hontiveros: “Mas bata ako dun!”

Pia Hontiveros, napagkamalang si Risa Hontiveros: “Mas bata ako dun!”

0

Kinaaliwan ng mga netizens sa Twitter ang video kung saan makikita ang CNN Philippines broadcaster na si Pia Hontiveros kasama ang isang netizen na napagkamalat siyang si Sen. Risa Hontiveros.

Sa nasabing video ay makikita si Hontiveros habang itinatanggi na hindi siya ang senadora na posibleng mamuno ngayon sa oposisyon.

Miss Pia: “Kilala niyo ba ako? Sino ako?”

Babae: “Risa Hontiveros.”

Miss Pia: “Hindi ako si Risa! Yung senator, hindi ako yun. Ako yung nasa news.”

Miss Pia: “Mas bata ako dun ha.” 

Hindi naman masisisi ang nasabing babae dahil ang mamamahayag ay kapatid talaga ng senadora.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento matapos mapanood ang video.

“Halatang-halata na hindi nanunuod sa legitimate na balita,” sabi ni @angat1007.

“Hindi man lang nila naisip bakit naman dadalo si sen. Risa doon.” komento ni @lynzz26.

“Yes, mas bata si Pia kay sen risa because sen risa is the eldest sa kanilang magkakapatid.” pagbabahagi ni @marieebiskwit.

Facebook Comments