Home Celebrities Parang si Sara lang! Kiko Pangilinan, dumalo din sa graduation ng isang tagasuporta niya

Parang si Sara lang! Kiko Pangilinan, dumalo din sa graduation ng isang tagasuporta niya

0

Dumalo si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan sa graduation ng isa sa mga tagasuporta niya nitong Hunyo 2.

Sa kanyang tweet, hindi makapaniwala si Angelique Bausa na dadalo si Pangilinan sa kanyang graduation matapos niyang hilingin ito sa dating senador sa isa sa kanilang mga rally nitong nakaraang halalan.

“Sen. Kiko! Wala na po yung papa ko. Pwede po bang ikaw pumunta sa graduation ko,” hiling ni Bausa kay Pangilinan.

Larawan mula kay Angelique Bausa

Dumalo naman si Pangilinan nitong Hunyo 2 sa graduation ni Bausa na nakapagtapos sa Assumption College.

Hindi maitago ng dalaga ang saya dahil sa nagmistulang ama niya si Pangilinan sa kanyang pagtatapos.

Larawan mula kay Angelique Bausa

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na ipagkumpara ang ginawa ni Bausa sa estudyante na humiling din sa katunggali ni Pangilinan noong halalan na si Vice President Inday Sara Duterte.

Matatandaan na nitong Mayo 27 ay pumunta rin si Duterte sa graduation ni Angel Tayaba na nakapagtapos ng may honor sa Virgen Milagrosa University Foundation (VMU).

Ipinarating din ni Tayaba ang kanyang hiling kay Duterte sa pamamagitan ng plakard katulad ng ginawa ni Bausa.

“You’re nothing but a second rate, trying hard, COPYCAT,” sabi ni netizen nin Durano.

“Gaya gaya kay Inday Sara, umattend din sa graduation,” wika ni Kath Rina.

Ipinagtanggol din naman ng ilang netizen si Pangilinan at itinanggi na ginagaya ng dating senador ang bise.

 

Facebook Comments