HomeCelebritiesPara mas mabilis ang aksyon! VP Sara Duterte, nagbukas ng opisina sa...

Para mas mabilis ang aksyon! VP Sara Duterte, nagbukas ng opisina sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas

Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang pagbubukas ng mga satellite office ng Office of the Vice President sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa unang araw ng kanyang termino ay binuksan ni Duterte ang mga satellite office upang mas mapabilis ang kanilang serbisyo at maging mas malapit sila sa mga tao.

“Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” ani Duterte.

sara duterte ovp 1

“Matatagpuan po ang mga satellite offices na ito sa mga lungsod ng Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag sa Surigao del Sur (Region XIII),” dagdag niya pa.

Ibinahagi rin ni Duterte ang ilan sa mga larawan ng mga satellite offices niya.

ovp 2

Maliban sa pagiging Vice President ay hahawakan din ni Duterte ang Department of Education na isa sa mga pinakamahalaga at pinakamalaking ahensya ng gobyerno kaya’t ikinatuwa ng mga netizens ang kanyang ideya.

“Ang bilis! Salamat sa mala-Davao City na aksiyon at serbisyo!” sabi ni Genaro Cruz.

“Thank you for opening a satellite offices in different regions and hope one day all regions will have an VP satellite to have an access of your help and support,” wika ni Nhoreen Vi.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular