Home Celebrities Kakampink Ogie Diaz, may mensahe kay PBBM: “Kasama n’yo po ako sa magaganda n’yong hangarin at adhikain para sa bayan,”

Kakampink Ogie Diaz, may mensahe kay PBBM: “Kasama n’yo po ako sa magaganda n’yong hangarin at adhikain para sa bayan,”

0

Tanggap na ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang pagkatalo nilang mga Kakampink nitong nakaraang halalan.

Sa kanyang social media post, binati ni Ogie si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na matatandaang naging mahigpit na karibal ng manok ng talent manager.

Nangako rin ang talent manager na sasamahan niya ang bagong pangulo sa mga plano nitong magaganda para sa bansa.

“Kakampink po ako, pero gusto kong batiin si President-elect Bongbong Marcos. Maaga ang acceptance sa akin (Noong May 10 pa) para maaga rin ang pag-move on at pag-move forward,” ani Ogie.

“Kasama n’yo po ako sa magaganda n’yong hangarin at adhikain para sa bayan at sambayanan, PBBM. Kasama rin po ako ng taumbayan sa pagdarasal na sa pamamagitan po ninyo ay matamasa natin ang inyong hangarin na pagkakaisa bukod sa kaunlaran ng Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa bayan at bawat Pilipino.” dagdag niya pa.

Hindi parin naman daw palalagpasin ni Ogie kung may mga kamalian na magagawa si PBBM kaya’t umaasa ito na magiging bukas parin ang pangulo sa mga opinyon ng ibang tao.

“Kasama din po ako ng taumbayan sa pagdarasal na sa pamamagitan po niyo ay matamasa natin ang inyong hangarin na pagkakaisa bukod sa kaunlaran ng Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa bayan at bawat Pilipino,” sabi ng talent manager.

“Para po sa bayan ang aking dasal. At Alam ko, kahit ang 31 milyong Pilipinong bumoto ay ganundin.” dagdag niya pa.

Pinuri naman ng mga netizens ang pagiging “sport” ng talent manager.

Facebook Comments