HomeCelebritiesGretchen Ho, may reaksyon sa sinabi ni Ella Cruz na ang 'history'...

Gretchen Ho, may reaksyon sa sinabi ni Ella Cruz na ang ‘history’ ay ‘tsismis’: “History = Facts”

Nagbigay ng reaksyon ng dating volleyball player at ngayo’y mamamahayag na si Gretchen Ho matapos maglabas ng kontrobersyal na pahayag ang aktres na si Ella Cruz.

Si Ella ay gumaganap bilang si Irene Marcos-Araneta sa pelikula ni Direk Darryl Yap na ‘Maid in Malacañang’.

Ibinahagi nito ang kanyang natutunan na inulan ng batikos mula sa mga netizens.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.” sabi ni Ella.

Hindi naman binanggit ng aktres kung ano bang kasaysayan ang kanyang binabangit.

Matatandaan na kung titignan ang mga libro tungkol sa kasaysayan ay hindi maganda ang ilang bagay na mababasa tungkol sa pamilya Marcos.

Isa si Gretchen sa mga nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa sinabi ni Ella.

Ipinaliwanag ng mamamahayag kung ano nga ba ang pagkakaiba ng opinyon at kasaysayan.

“Facts =/= Opinion

My coffee is black = Fact

My coffee is bitter = Opinion

History = Facts

Tsismis = Opinion”

“History’s narrative, while subject to the perspective of the author, must be written based on facts, and not opinion.” dagdag niya pa.

 

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Ella sa batikos na kanyang natanggap sa social media dahil sa kanyang komento.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular