HomeCelebritiesAng sosyal! Mga pagkain na inihain sa inaugural dinner ni PBBM ibinahagi...

Ang sosyal! Mga pagkain na inihain sa inaugural dinner ni PBBM ibinahagi sa social media

Ibinahagi sa social media ang mga pagkain na inihain sa inaugural dinner ni President Bongbong Marcos nitong Hunyo 30 sa Malacañang.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni dating Justice Undersecretary Emmeline Aglipay Villar ang menu ng hapunan ng mga bisita ni Marcos sa Malacañang.

Makikita rin ang isang box na mayroong nakalagay na presidential seal na tila give-away para sa mga bisita.

villar 1
Larawan mula kay dating Usec. Villar

Samantala ay ibinahagi naman ni Antonio Montalvan ang mas malinaw na larawan ng menu at laman ipinapamigay na box sa mga bisita ni PBBM.

Eto ang mga sumusunod na pagkain na inihain sa mga bisita ng bagong pangulo:

  • Savory Chicken Soup with Ginger and Steamed in Green Papaya

inaugural 2

  • Prawn in Roasted Coconut Cream
  • Seared Prime Beef tenderloin with Kaldera Sauce
  • Guava-Basil Sorbet
  • Creamy Soursoup foam in Chocolate Sphere with Almond Crunch

inaugural 3

  • Coffee or Tea

Makikita naman na may mukha ni President BBM ang medalyon na ipinapamigay sa mga bisita sa Malacañang.

screencap 2022 07 02 at 11.20.30 PM
Larawan mula kay Antonio Montalvan II

Hindi naman maikakaila na natuwa ang mga bisita ni PBBM sa inihain ng bagong presidente sa kanila.

Malayo ito sa pagkain na inihain ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay mahalal nitong 2016.

Matatandaan na puro simpleng pagkain ang ibinida ni Duterte noong inaugural dinner niya upang ipakita ang kanyang istilo sa paghawak sa bansa.

Ilan sa mga inihain noon ay ang Monggo na may tinapa at alugbati, pritong saging, lumpiang ubod, longganisa at pandesal na may kesong puti.

inaugural 4

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular