HomeCelebritiesAgot Isidro may payo kay Ella Cruz: "Pwede tayong sumagot ng 'no...

Agot Isidro may payo kay Ella Cruz: “Pwede tayong sumagot ng ‘no comment'”

Nagbigay ng payo si Agot Isidro sa kapwa niya aktres na si Ella Cruz matapos itong ulanin ng batikos sa social media dahil sa kanyang komento tungkol sa kasaysayan.

Nitong Hulyo 2 ay nagbigay ng kanyang opinyon si Ella tungkol sa kasaysayan sa gitna ng kanyang pagiging parte ng pelikula ni Darryl Yap na “Maid in Malacañang”

Gaganap bilang Irene Marcos si Ella sa nasabing pelikula tungkol sa huling tatlong araw ng mga Marcos sa Malacañang bago sila mapatalsik ng taumbayan.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.” wika ni Ella.

Sa kanyang tweet naman ay sinabi ni Agot na sana’y iniwasan na lamang ni Ella na sagutin ang katanungan sa kanya.

Hindi naiwasan ng aktres na magbigay ng kanyang payo kay Ella dahil sa mahal niya ito.

“Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako. she really is.) Next time, puede tayong sumagot ng, “No comment.” Again, mahal kita.” sabi ni Agot.

screencap 2022 07 03 at 3.00.47 AM
Screencap ng tweet mula kay Agot Isidro (@agot_isidro)

Naging magkasamahan si Agot at Ella sa programang “Bagito” sa ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita si Ella tungkol sa pambabatikos na natanggap niya.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular