HomeCelebritiesRelo na soot ni PBBM noong inagurasyon, agaw pansin dahil sa pagiging...

Relo na soot ni PBBM noong inagurasyon, agaw pansin dahil sa pagiging ‘rare’ nito at mamahalin

Inulan ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang soot na relo ni President Bongbong Marcos nitong inagurasyon niya.

Hindi daw kasi basta basta mabibili ang soot na Patek Philippe Nautilus 5980R-001 dahil sa mahal na ito ay kakaunti lamang ang ginawang ganito.

Ayon sa website na Watch Charts ay aabot sa P9.35-M ang halaga ngayon ng nasabing relo na soot ng pangulo.

patek philippe 5980r 001 4
Larawan mula sa website ng Patek Philippe

Ilang netizen naman ang hindi naiwasan na magbigay ng kanilang komento sa mamahaling relo ni BBM.

Paano naka-afford ng ganyang relo si Marcos Jr eh di ba wala naman syang trabaho sa nakalipas na anim na taon? Ay wait, pera pala ng Pilipino yan. To the tune of 203 billion.” sabi ni @kolsenertito.

Lahat nlng ba nakikita nila gamit sa Marcos nilalagyan nila ng presyo ingit lang sya kasi mahal yung relo ni Mr President,” wika naman ni @gueria1jennifer.

patek philippe 5980r 001 1
Larawan mula sa website ng Patek Philippe

Ibinahagi naman ni Jo Soliman na nasa P3-M lamang ang halaga ng nasabing relo noon ngunit ngayon ay pataas na ng pataas ang presyo nito dahil sa limitado lamang ang stock nito.

“Wag ninyo punahin ng punahin relo ng mga tao tapos post sa media. Karapatan ng bawat isa yan. May kanya kanya tayong luho at hilig at gamit.” sabi ng negosyante na nagkaroon din ng nasabing relo.

Wala pang pahayag si Marcos tungkol sa kung magkano niya nga ba talaga nabili ang kanyang relo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular