HomeCelebritiesNilangaw? Agot Isidro, nagtaka kung bakit 2,100 lang ang pumunta sa thanksgiving...

Nilangaw? Agot Isidro, nagtaka kung bakit 2,100 lang ang pumunta sa thanksgiving concert para kay PBBM

Hindi napigilan ng aktres na si Agot Isidro na magbigay ng komento sa balita tungkol sa thanksgiving concert sa Mendiola nitong Hunyo 30 na alay para kay President Bongbong Marcos.

Matatandaan na 2,100 ang dumalo sa nasabing concert na dinaluhan ng mga kilalang personalidad katulad nila Randy Santiago, Andrew E., EZ Mil, Florante at iba pa.

Ngunit naging isyu ang hindi pagdalo ni Marcos sa nasabing concert.

Isa si Agot sa mga nagbigay ng reaksyon sa tila hindi pagiging popular ng nasabing thanksgiving concert.

Nagtataka kasi ito dahil sa dami ng bumoto noon kay Marcos na umabot sa mahigit 31-M ay 2,100 lamang ang dumalo sa thanksgiving concert nito.

“Kahit .01% ng 31M, di umabot? 3,100 lang yun guys.¬†Anyare?” tanong ng aktres na kilalang kritiko ng mga Marcos.

screencap 2022 07 01 at 10.55.08 PM

Ilan namang netizen ang sinubukan sagutin ang tanong ni Agot.

“With a generous guesstimate of 2,500 people, it seems all those who actually voted for bbm attended his inauguration. The rest were deleted by comelec.” sabi ni @bastiboys.

“Har har har… nakikita na ang ktotohanan. Hindi ba dapat andyan silang lahat ngayon? Nasan kqhit na tyng mga taga Manila na lang na bumoto? Wala! Kasi hakot lang talaga at sd card lang ang bumoto. Wala man lang energy!!! Di rin sinipot ng poon nila.” komento ni @chie_deguzman.

“walang naka pack na bigas at groceries, saka walang namimigay ng envelope sa entrance! samantalang pag kay VPLeni event yan, sa kanya pa lang siksikan na ang tao, dagdagan mo pa ng premium singers and hosts di lalong puno!” tweet naman ni @notyourusualboy.

Sa ngayon ay wala pang paliwanag ni PBBM kung bakit hindi siya nakadalo sa nasabing concert.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular