HomeCelebritiesIsabelle Duterte, emosyonal habang namamaalam sa mga miyembro ng PSG na nagbantay...

Isabelle Duterte, emosyonal habang namamaalam sa mga miyembro ng PSG na nagbantay sa kanya ng anim na taon

Hindi napigilan ni Isabelle Duterte ang maging emosyonal habang namamaalam ito sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na sinigurado ang kanyang kaligtasan sa loob ng anim na taon.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Duterte ang kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng PSG at ang ilan niyang litrato kasama sila.

“Daghang Salamat, Presidential Security Group, one of the heardest goodbyes, kitakits!”, sabi ni Duterte.

“Me ugly crying buying these thank you cards hahaha,” dagdag niya pa.

isabelle 1

Si Isabelle ay anak ni Davao Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Pinag-usapan noong 2017 si Isabelle dahil sa kanyang pagbatikos sa kanyang ama.

“It’s not because I’m a Duterte but because I’m your father. Change your family name if you want to! You have no respect! You are an embarrassment! Study first so you don’t become empty-headed. You now don’t know how to listen just because you’re already popular?” mensahe noon ni Pulong sa kanyang anak.

Matatandaan na trabaho ng PSG ang pagbabantay sa mga presidente at sa mga kamag-anak nito.

Samantala ay nagpasalamat din ang isa pang anak ni Rep. Duterte na si Rigo sa mga miyembro ng PSG.

‘Daghan salamat sa serbisyo Presidential Security Group’, sabi niya.

screencap 2022 07 02 at 2.06.51 AM

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular