Home Celebrities First Lady Liza Marcos ipinagtanggol matapos ang pag-belat niya sa inagurasyon ni PBBM

First Lady Liza Marcos ipinagtanggol matapos ang pag-belat niya sa inagurasyon ni PBBM

0

Hindi lamang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinag-usapan sa kanyang inagurasyon nitong Hunyo 30.

Sa ilang post sa social media ay makikita ang larawan ni First Lady Liza Araneta-Marcos kung saan ay naka-belat ito habang nakatingin sa camera.

Ginawa ito ng First Lady matapos siyang bigyan ng panyo ng kanyang asawa dahil nakikita siya nito na naluluha.

Ipinaliwanag naman ng isang blogger na tagasuporta ni Marcos kung bakit ito nagawa ni Marcos.

Ayon kasi sa kanila ay kinakantyawan lamang ang first lady ng kanyang mga kaibigan dahil sa paglalambing ng presidente sa kanya.

“FL Liza’s belat moment was just her being playful after some friends teased her after seeing her cry tears of joy during the inauguration. Korni naman na ginawan pa ng issue,” ani RJ Nieto.

Matatandaan na ilang kilalang personalidad ang sinubukan bigyan ng ibig sabihin ang ginawa ng First Lady.

Ang ilan kasi ay inakusahan si Araneta-Marcos ng pang-aasar sa mga kritiko nila.

“What is this? First Lady Lisa Marcos sticks out her tongue at the Filipino nation just before her husband-president delivers a speech stressing UNITY. Rrrrrrright.” sabi ng mamamahayag na si Raissa Robles.

“Her face says it all. What’s happening today is a big “belat” to the country,” wika naman ni @joefranc.

Ngunit may nagtanggol naman sa First Lady at sinabi na tugon niya lamang ito sa mga kaibigan niya.

“Nag belat si liza araneta dun sa mga tao na sumigaw ng ayiie dahil sa sweet sweetan nila ni BBM. Parang normal reaction din natin ng belat. Tapos sasabihin nung iba ang yabang daw.. hindi nyo lang kasi gusto at talo Manok nyo. Kaya feeling nyo mayabang.” paliwanag ni @maldika2k11.

 

Facebook Comments