HomeCelebritiesAtty. Jesus Falcis, binatikos ang diumano'y pagiging tamad ni PBBM: "BBM is...

Atty. Jesus Falcis, binatikos ang diumano’y pagiging tamad ni PBBM: “BBM is NOT MY PRESIDENT!”

Kinuwestiyon ni Atty. Jesus Falcis ang pagpapaliban ng unang cabinet meeting ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang Linggo.

Matatandaan na ibinalita nitong Hunyo 1 na hindi muna matutuloy ang unang meeting ni PBBM kasama ang kanyang mga cabinet member at sa isang Linggo na lamang ito itutuloy.

Kinuwestiyon din ni Falcis kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nakakapagtalaga ng mga pinuno si PBBM sa mga sumusunod na ahensya.

  • Department of Science and Technology (DOST)
  • Department of Environment and Natural Resources (DENR)
  • Department of Housing and Urban Development (DHSUD)
  • Department of Foreign Affairs (DOF)
  • Department of Health (DOH)
  • Department of Energy (DOE)

Matapang na inihayag ni Falcis na hindi niya rin kinikilalang presidente si Marcos dahil hindi naman daw niya ito ibinoto.

“Presidente sya ng Pilipinas at susundin ko mga batas pero hindi ko kelangang yakapin si Bongbong Marcos. He does not represent me and my values. Freedom of speech under the Philippine Constitution protects me when I say BBM is NOT MY PRESIDENT.” ani Falcis.

“July 1, first full day of his Presidency, walang Cabinet meeting si Bongbong Marcos.
Dahil hindi pa kumpleto ang gabinete? Hindi kumpleto ang gabinete dahil walang mahanap o walang gustong tumanggap?”

“Nung nanalo si PNoy at Duterte, nag pilgrimage mga pulitiko sa Times Street, QC at sa Davao City para makipag meeting at humingi ng appointment. Bakit walang ganun kay BBM?”

Naniniwala si Falcis na kung masipag si Marcos ay dapat itinuloy nito ang kanyang cabinet meeting.

“But we all know tamad si Bongbong. Tatay nya mismo nagsabi – “Bongbong is too lazy and carefree”. PNoy set his first Cabinet meeting right after his inauguration on June 30, 2010. Kinopya ni Duterte nuong 2016. Trabaho agad. Ngayon July 1 na nga pero postponed ang Cabinet meeting ni Bleng Blong?? Gano katamad ang Presidente nyo?” banat pa ng abogado.

screencap 2022 07 02 at 2.32.07 AM screencap 2022 07 02 at 2.32.16 AM

Sa ngayon ay wala pang paliwanag ang palasyo kung bakit ipinagpaliban ni PBBM ang unang cabinet meeting nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular