HomeCelebritiesArnold Clavio sa panukala na maaring mare-elect si BBM: "Ang pangarap mo...

Arnold Clavio sa panukala na maaring mare-elect si BBM: “Ang pangarap mo ay pangarap mo lang”

Binatikos ng batikang mamamahayag na si Arnold Clavio ang plano ng isang kongresista na palawigin pa ang termino ng mga magiging presidente ng bansa.

Nitong Hunyo 1 ay ipinasa ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzalez Jr. ang isang resolusyon na nagmumungkahi na gawing dalawang term ang pagiging pangulo ng bansa.

Imbis na anim na taon sa isang term ay gagawing itong limang taon at bibigyan ng pagkakataon ang isang pangulo na mare-elect ng isang beses.

Gusto itong sama ni Gonzales sa isinusulong na Charter Change o pagbabago ng Saligang Batas na matatandaan na isa sa mga plataporma noon ng nakaraang administrasyon.

Kinuwestiyon ito ni Clavio dahil wala naman ito sa mga plataporma ni Marcos.

“Huh? Isang araw pa lang, mind conditioning? Reminder : Agriculture, Health, Public Infrastructure, Climate Change at Education. Yan ang mga nabanggit sa inaugural speech ni Pangulong BBM.” sabi ni Clavio.

“Wala akong narinig na Constitutional amendments. Para kay Pampanga Rep. Aurelio ‘ Dong ‘Gonzales , ba naghain ng resolusyon, ang pangarap mo ay pangarap mo lang.” dagdag niya pa.

Matatandaan na lalo pang lumakas ang pag-asa na maiba ang Saligang Batas matapos mahalal si Marcos at ang vice president nito na si Sara Duterte.

Nanguna rin sa botohan sa pagkasenador si Robin Padilla na isa sa mga pinaka-aktibong tagasuporta ng charter change.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Hindi naman malaman kung isusulong rin ba ni Marcos ang pagbabago ng Saligang Batas na ginawa noong napatalsik ang kanyang ama sa pwesto.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular