HomeCelebritiesAlan Peter Cayetano sa batikos na natatanggap niya dahil sa ₱10,000 na...

Alan Peter Cayetano sa batikos na natatanggap niya dahil sa ₱10,000 na ayuda: “Tumulong na lang kayo”

Sa unang pagkakataon matapos siyang mahalal muli bilang senador ay nagsalita na si Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa kanyang ipinangakong P10,000 na ayuda sa kada pamilya.

Ayon kay Cayetano ay iba ang programa niyang “Sampung Libong Pag-Asa” sa kanyang pangako na 10,000 kada pamilya kaya’t dapat ay hindi ito ituring na pareho ng mga netizens na bumabatikos sa kanya.

Kung kaya lang daw ng kanyang wallet ay siya na ang magbibigay ng ayuda, ngunit imposible ito kaya’t kailangan niyang i-daan sa ‘legislative proposal’ ang kanyang pangako.

“Sa mga nangba-bash sa 10K ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tag-sasampung libo, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal,” sabi ni Cayetano.

“So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong (Pag-asa) during the pandemic, tumulong na lang kayo,” dagdag  niya pa.

Hiniling niya naman kay Taguig-Pateros Rep. Ricardo ‘Ading’ Cruz Jr. at Taguig 2nd District Rep. Maria Amparo Zamora na magpasa din sila ng panukala para sa P10,000 sa lower house.

Kinakailangan na makakuha ng sapat na boto ang panukala ni Cayetano kung gusto niyang maisakatuparan ang kanyang pangako.

Ipinaliwanag na noon ni Cayetano na kailangan lamang ng P250-B ng gobyerno upang matupad ang kanyang pangakong 10,000 ayuda sa kada pamilya.

“Alam ng Pangulo y’ung aking suporta sa kanya, so I hope hindi nila masamain itong counter-proposal. Simple ang proposal: institute a mandatory five percent savings in all government agencies,” ani Cayetano.

“Five percent will give you P250 billion. Once you get P250 billion, you can give each Filipino family P10,000, mayr’on ka pang P50 billion na naka-stand-by,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular