Home Celebrities Nakauwi na ang Agila! Citizen Duterte, nakauwi na sa Davao City sakay ng commercial flight

Nakauwi na ang Agila! Citizen Duterte, nakauwi na sa Davao City sakay ng commercial flight

0

Nakauwi na si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City matapos ang anim na taon niyang pamumuno sa buong bansa.

Lulan ng commercial flight ay dumating nitong 7:00 PM sa Davao International Airport si Citizen Duterte.

Kasama ni Duterte ang kanyang dating assistant na si Sen. Christopher “Bong” Go.

Sinalubong ng mga airport staff ang pangulo pagdating niya sa departure area ng nasabing airport.

Dadalo sa isang concert ang dating pangulo na inihanda ng kanyang mga kababayan.

Matatandaan na hindi na dumalo ang dating pangulo sa inagurasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at dumiretso na ito sa isang mall sa Makati City bago ito lumipad papuntang Davao.

Ayon sa ilang malalapit sa kanya ay binabalak magturo ni citizen Duterte ng law at magtrabaho sa opisina ni Sen. Go.

Hindi naman malaman kung babalik ba ito sa politika sa 2025.

Ilang netizen naman ang naniniwala na tuloy tuloy na ang pagreretiro ni Duterte at naipasa niya na ang kanyang tungkulin sa kanyang mga anak kasama na si Vice President Inday Sara Duterte.

 

Facebook Comments