HomeCelebritiesMana sa tatay! Netizens hinangaan ang talumpati ni PBBM ng walang kodigo

Mana sa tatay! Netizens hinangaan ang talumpati ni PBBM ng walang kodigo

Pinuri ng mga netizens ang talumpati ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang kanyang panunumpa nitong Hunyo 30.

Tila ipinakita kasi ng pangulo na kaya niya ring magtalumpati ng walang kodigo katulad ng kanyang amang si dating presidente Ferdinand Marcos Sr.

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens matapos ang talumpati ni Marcos.

‘I’m very much impressed. Dire-diretso, no kodigo or teleprompter, I don’t expect BBM can deliver SPEECH like that. Ganda ng delivery at may CONVICTION and POWER sa pagsasalita. BRAVO! Kitang-kita na alam lahat ng sinasabi at galing sa puso.” sabi ni netizen @jovenator.

Wow. Speech ni PBBM walang cue cards, walang kodigo. Galing lahat sa isipan. Parang PFEM ang dating. Lupit.” komento ni @boyantingasngas.

Ang galing ng inaugural speech ng ating Pangulong BBM.. naalala ko tuloy ang kanyang amang si PFEM.. Walang kodigo! Hindi kaya ni ano yan…” tweet ni @mydahlynz.

Sa kanyang talumpati na inabot ng 25 na minuto ay ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa publiko at ang kanyang mga magiging plano sa susunod na anim na taon bilang presidente.

Ilan sa mga plano niya ay ang pagiging mas transparent ng gobyerno tungkol sa public health, ang pagpapalawig ng edukasyon at agrikultura.

Pinasalamatan din nito ang mga Pilipino sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makapaglingkod sa bayan.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular