HomeCelebritiesLeni-Kiko unang araw bilang mga citizen: "Hindi pagtatapos ang araw na ito,"

Leni-Kiko unang araw bilang mga citizen: “Hindi pagtatapos ang araw na ito,”

Ganap ng citizen ang tambalan nila dating Vice President Leni Robredo at ex-Senator Francis “Kiko” Pangilinan matapos silang bigong mahalal nitong nakaraang eleksyon.

Sa ilang post sa social media ay makikita kung ano nga ba ang ginawa nila Robredo at Pangilinan sa unang araw nila bilang mga ordinaryong mamamayan.

Sa isang post ay makikita si Robredo na tinatawag na ngayon ang sarili niya bilang isang abogada habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga tagasuporta.

Sa pagtatapos ng kanyang termino bilang bise presidente ay sinabi ni Robredo na hindi pa tapos ang kanyang pagseserbisyo sa bayan.

“Hindi pagtatapos ang araw na ito, kundi tanda ng pagsisimula ng bagong kabanata at tayo ang magkakasamang susulat nito.” wika ni Robredo.

“Tinatanglawan natin ang landas ng isa’t isa; diretso lang tayo para mas marami pang matanglawan na iba,” dagdag niya pa.

Ibinahagi naman ni Pangilinan ang kanyang pagpunta sa grocery kasama ang kanyang mga anak Ā na sina Frankie, Miel at Miguel.

“First day as private citizen. Doing the grocery bonding with the kids. A Daddy and kids bonding tradition since KC was 11.” sabi ni Pangilinan.

“Unang araw bilang private citizen at bonding kasama ang mga bata sa grocery. Ayos na ang buto buto!” dagdag niya pa.

Inaasahan na magiging abala parin ang dalawa bilang parte ng Angat Buhay NGO.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular