HomeCelebritiesJim Paredes, may mensahe kay Citizen Rodrigo Duterte: "Katay Digong. ICC you...

Jim Paredes, may mensahe kay Citizen Rodrigo Duterte: “Katay Digong. ICC you soon!”

May mensahe ang legendary OPM artist na si Jim Paredes kay dating pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang mamaalam na sa Malacañang.

Sa kanyang tweet, sinagot ni Paredes ang tanong ng Philippine Star kung ano ang kanilang mensahe kay Duterte.

Binanggit ni Paredes ang posibleng paghuli kay Duterte ng International Criminal Court (ICC) kung saan ay humaharap siya sa kaso dahil sa mga diumano’y EJKs na nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Gdbye (goodbye) katay digong. ICC (International Criminal Court) you soon!” ani Jim.

Sinabi na noon ng pangulo na papayag lamang siyang litisin sa Pilipinas at maparusahan mismo sa kanyang sariling bansa.

Matatandaan na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ni Paredes at Duterte.

Ilang beses binatikos ni Paredes ang mga polisiya ng pangulo at tinawag itong ‘virus’.

Hindi naman nagpatalo ang pangulo at binatikos din nito si Paredes dahil sa kumalat nitong pribadong video kung saan ay may ginagawa itong hindi dapat makita ng mga kabataan.

“Tapos itong Jim Paredes, immoral daw ako. Ipinakita niya ‘yung ot**n niya sa… T*** i** ang liit pa, ganun. Sa totoo lang,” sabi ng pangulo matapos niyang mapanood ang video ni Paredes.

“Yan ang mga taong nagbabatikos sa akin. Kita mo ‘yung kalidad nila,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular