HomeCelebritiesIsang pari may mensahe sa mga netizen: "Pinili natin ang mangagantso"

Isang pari may mensahe sa mga netizen: “Pinili natin ang mangagantso”

Isang pari ang pinaalalahanan ang mga netizen na sana’y huwag nilang sisisihin ang Panginoon kung sakali man na may mangyaring hindi maganda sa bansa sa mga darating na araw.

Sa kanyang tweet nitong Hunyo 29, isang araw bago manumpa bilang susunod na pangulo si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay sinabi ni @pads_nosi na nagpakilalang pari na mismong mga Pilipino ang pumili ng gusto nilang lider.

“Ayaw natin sa tapat, pinili natin ang manggagantso. Kaya huwag nating sabihing pinabayaan tayo ng Diyos, tayo ang magpapako ng mga sarili natin sa krus ng korapsyon, kahirapan at kawalang katarungan,” sabi ng pari sa kanyang tweet.

pari koy

Sa iba pa niyang tweet ay hinimok naman ng pari ang mga ‘Kakampink’ na huwag sumuko sa kanilang ipinaglalaban.

“The glimpse of hope brought by the pink movement in our very recent history as a country must live on. If we believe in our cause, we must persist and resist the temptation to withdraw from the fight for a just and humane society. We still have one another and our just God.” sabi pa niya.

Matatandaan na ang nasabing pari din ang isa sa mag bumatikos noon kay Marcos sa hindi nito pagdalo sa mga debate.

Matagal ng sinabi ni BBM na hindi siya interesadong dumalo sa mga debate dahil sa mas gugustuhin niya na lamang na ilaan ang oras niya sa pakikipag-usap sa mga tao.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular