Home Celebrities Erik Matti, umaasa na maibabalik ni President BBM ang ‘golden age’ ng Pelikulang Pilipino

Erik Matti, umaasa na maibabalik ni President BBM ang ‘golden age’ ng Pelikulang Pilipino

0

Umaasa ang isa sa mga kilalang kritiko ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong kampanya na si Direktor Erik Matti na maibabalik ng kasalukuyang administrasyon ang ‘golden age of cinema’.

Matatandaan na noong panahon ng ama ni BBM na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay nagsulputan ang mga pelikula na hanggang ngayon ay kilala parin ng mga Pilipino.

Ilan sa mga nakilalang direktor noon ay si National Artist for Film na si Lino Brocka.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Marcos kung ano nga ba ang magiging plano niya sa movie industry na hindi maikakailang pababa na ng pababa ang popularidad.

Ikinabigla naman ng ilang netizens ang pahayag ni Matti dahil sa binatikos nito si Marcos noong nakaraang kampanya.

Nitong kampanya ay binatikos ni Matti ang television host na si Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta kay Marcos.

“In the same way the plunder and the horrors of the Marcos regime to our country the Philippines, that no one has claimed responsibility until now with the players still roaming around free, moneyed and powerful, is irrefutable and a historical fact that cannot be forgotten and rewritten.” sabi ni Matti sa kanyang Facebook post noon laban kay Gonzaga.

Hindi naman pinansin ni Toni ang banat sa kanya ng direktor.

Facebook Comments