Home Celebrities Citizen Duterte sa pagtatapos ng kanyang pamumuno: “I can sleep eight hours without worrying now”

Citizen Duterte sa pagtatapos ng kanyang pamumuno: “I can sleep eight hours without worrying now”

0

Malaking kaginhawaan ang naghihintay kay dating pangulong Rodrigo Duterte ngayong isa na siyang ganap na ‘Citizen Digong’ matapos ang kanyang anim na taong termino bilang lider ng bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na makakapagpahinga na siya ng mas matagal ngayon kumpara sa lima hanggang anim na oras niyang tulog noong siya ay nasa Malacañang pa.

Nakaapekto rin diumano ng lubos sa kanyang paningin ang sobrang pagta-trabaho at pagpupuyat habang pinapatakbo ang buong bansa.

“I can rest. Alam mo, baka totoo ito sa lahat ng presidente. We get only about five to six (hours of sleep) five average because of [the] the volume sa trabaho sa papel.” ani Duterte.

“It has affected my eyesight. Nagbago na ang grado so makakatulog na ako. I can sleep eight hours without worrying that I have to stand up,” dagdag niya pa.

Excited narin si Duterte sa kanyang pagbabalik sa kanyang libangan na pagmo-motorsiklo.

Nangako naman siya na susunod siya sa mga batas trapiko kahit na isa siyang dating pangulo.

Ngayon ay nasa Davao City na muli si Duterte at bago ito umuwi sa kanyang tahanan ay dumalo muna ito sa isang homecoming concert para sa kanya.

Nagpasalamat naman ito sa mga patuloy na sumuporta sa kanya hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Kilala si Duterte sa kakaibang oras sa pagta-trabaho kahit noong alkalde pa siya ng Davao.

Kadalasan ay mas pinipili nitong magtrabaho ng madaling araw, malayo sa normal na oras ng mga government official.

Inaasahan na magtuturo si Duterte sa isang unibersidad at magtatrabaho din ito sa opisina ni Sen. Bong Go.

Facebook Comments