HomeCelebritiesAward-winning writer Ogie Rosa, tinawag na 'bangungot' ang naging resulta ng halalan

Award-winning writer Ogie Rosa, tinawag na ‘bangungot’ ang naging resulta ng halalan

Tinawag na ‘bangungot’ ng Palacanca awardee na si Ogie Rosa ang nangyaring resulta nitong nakaraang halalan.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Rosa na babalik na sa Malacañang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos at naging senador din si Robin Padilla at Jinggoy Estrada.

“Bukas, nasa Malacañang na si Bongbong Marcos. Senador na si Robin Padilla. At balik-senado na si Jinggoy. Nag-sink in na ba sa inyo ang bangungot na ito? O nasa denial stage pa rin kayo?” tweet ng manunulat.

Binanatan din nito ang mga sumusuporta kay Marcos at sinabi na hindi parin nila alam kung ano nga ba ang nagawa ng kasalukuyang pangulo.

“Proud daw sila kay Bongbong mula nang kumandidato hanggang sa manalo at ma-inaugurate. Pero hanggang ngayon, ‘di nila masabi kung ano ang ginawa ni Bongbong para ika-proud nila.” sabi pa niya.

Ilang followers din ni Ogie ang nagbahagi ng sama ng loob nila sa nangyayari ngayon.

“After ng election hindi na ako nagbabasa ng news and nagbubukas ng TV. Hindi na rin ako nagbabasa ng latest news. Wala di naman mangyayari. Focus nalang talaga sa future ng bawat isa. Kanya kanyang hustle nalang talaga.” sabi ni netizen @brendanbelmonte.

“SC decision yesterday was the end of hope! I’ve lost my will to hope for a better Philippines, but I’m not losing hope that God is still sovereign!” komento ni @GaudiQuiballo.

“Hanggang ngayon sinusumpa ko mg loyalista mula ulo hanggang paa. Di ko kailanman tatangapin ung presidente nila. Alam natin umpisa pa lang walang matinong manyayari sa bansa. The worst is yet to come,” tweet ni @foolishcrazyru1.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular