HomeCelebritiesAgot Isidro may mensahe sa Inang Bayan sa gitna ng panunumpa ni...

Agot Isidro may mensahe sa Inang Bayan sa gitna ng panunumpa ni PBBM: “Hoping you’ll learn from decisions you’ve made”

Nagbigay ng mensahe ang aktres na si Agot Isidro sa Inang Bayan gitna ng panunumpa ni president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ngayong Hunyo 30.

Sa kanyang tweet, pinaalala ni Agot sa Pilipinas na minahal niya ito at lumaban siya para dito.

Ngunit dahil sa nangyari ngayong halalan ay mas mainam na intindihin muna ni Agot ang kanyang sarili at ang mga mahal niya sa buhay.

Umaasa naman na matututo ang inang bayan sa desisyon na kanyang ginawa.

“Know that I will always care for you, love and fight for you. But you have to figure out what’s good for you. For now, I will care, love and fight for me and my loved ones. I will quietly do the work for causes I believe in,” ani Agot.

“Hoping you’ll learn from decisions you’ve made,” dagdag niya pa.

Sinamahan niya pa ito ng broken heart emoji upang ipakita ang pagkadismaya niya.

screencap 2022 06 30 at 11.32.44 AM

Ilang netizen naman ang nagbigay din ng kanilang opinyon.

“Ang hirap lang niyang mahalin minsan, Ms. @agot_isidro,” sabi ni netizen @kayceejay.

“Same miss agot! kelangan muna nya matuto,” komento ni @darsphoenix7.

Matatandaan na si dating VP Leni Robredo ang sinuportahan ni Agot ngunit tinambakan ito ni PBBM nitong halalan.

Isa ang aktres sa mga pinaka-aktibong kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Marcos.

 

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular