HomeCelebritiesRappler CEO Maria Ressa sa administrasyon ni BBM: "We're here to help...

Rappler CEO Maria Ressa sa administrasyon ni BBM: “We’re here to help you give a better future for the Philippines”

May mensahe si Rapper CEO Maria Ressa sa darating na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanilang pahayag, hinimok ni Ressa ang susunod na administrasyon na tratuhin ng mabuti ang mga mamamahayag dahil hindi naman sila kalaban.

“I continue to appeal to the incoming administration, work with journalists, we’re here to help you give a better future for the Philippines. We’re not your enemies,” ani Ressa.

“President Marcos, where he goes, we all go. So who wants to see this? There are accountability issues that I hope he deals with. But in the end, it’s a tough world right now and we’re going to have to collaborate to make it better.” dagdag niya pa.

Sinabi ito ni Ressa sa gitna ng desisyon ng Securities and Exchange Commission na ipasara ang Rappler dahil sa iba’t ibang isyu na kinakaharap nito.

Isa na rito ay ang pagpayag ng Rappler na humawak ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) ang isang banyagang kumpanya.

Matatandaan na nag-umpisa ang pagpapasara ng Rappler sa ilalim ni administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong kampanya naman ay sinabi ni Ressa na ang pagkapanalo ni Marcos ay nangangahulugan na lalo pang kakalat ang maling impormasyon sa Pilipinas.

Wala pang pahayag si Marcos sa mensahe sa kanila ni Ressa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular