HomeCelebritiesPrincess Punzalan, inamin na nagpalaglag ng baby noong 15-anyos pa lamang siya

Princess Punzalan, inamin na nagpalaglag ng baby noong 15-anyos pa lamang siya

Inamin ng beteranang aktres na si Princess Punzalan na nagpalaglag siya noong siya ay nasa edad na 15 pa lamang.

Sinabi ito ni Princess sa kanyang Instagram video noong Hunyo 25.

Ayon sa kanya ay nagdesisyon siya na magpalaglag dahil sa ayaw siyang panagutan ng ama ng kanyang baby at natatakot din siya sa magiging reaksyon ng kanyang mga magulang.

Nangyari ang pagpapalaglag ilang taon bago mag-umpisa ang kanyang career sa showbiz.

“When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby,” wika ng kilalang kontrabida.

Kinokonsiderang iligal ang pagpapalaglag sa Pilipinas at may kaukulang parusa para sa mga gagawa nito.

Noong umabot naman siya ng 19-anyos ay nagpakasal siya ngunit hindi naman siya nabiyayaan ng anak.

“And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried but I didn’t get pregnant. That marriage dissolved,” maluha luhang kwento ng aktres.

Buti na lamang at nakilala niya si Jay Field na naging asawa niya.

Sumama siya sa kanyang asawa upang manirahan sa Amerika at ilang taon din nilang sinubukan na magkaroon ng anak.

Ngunit sa kasamaangpalad ay hindi sila nabiyayaan ng anak.

“I found a man who would marry me and love me. We tried for 10 years to get pregnant but I didn’t get pregnant. We tried different kinds of ways to get pregnant, but I didn’t.” aniya.

Dahil dito ay nagdesisyon na lamang silang mag-ampon at ngayon ay walong taong gulang na ang kanilang kinupkop na bata.

Ilang kasamahan niya naman sa showbiz ang nagpakita ng suporta sa kanya.

“Ang sakit po.. mahigpit na yakap ate,” sabi ni Yasmien Kurdi.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular