Home Celebrities Netizens, namangha sa pagiging endorser ni Kitty Duterte ng apat na brand

Netizens, namangha sa pagiging endorser ni Kitty Duterte ng apat na brand

0

Sa loob lamang isang taon ay endorser na ng apat na brand si presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte.

Nitong Hunyo 13 lamang ay ibinahagi ni Kitty ang kanyang pagiging endorser ng isang beauty brand kung saan makikita ang angking ganda ng bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“One of our mission is to keep our promise, na papahalagahan at pag iingatan ang inyong tiwala at walang sawa na pag supporta —mapa endorser man, Fairydoll family, at lalo na ang mga clients namin,” sabi ng Fairy Doll Skin Essentials matapos nilang kunin si Kitty bilang endorser.

Matatandaan na isang beauty product pa ang naging interesado na kunin siya bilang endorser ngunit tila hindi na ito matutuloy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by veronica (@veronicaduterte)

Maliban sa Fairy Doll ay naging endorser din si Kitty ng Goddess Nails & Beauty Lounge, Ayumi Art and Beauty Studios, at Lutz Dental Med.

Ito nga ba ang senyales na hindi susunod si Kitty sa yapak ng kanyang mga kapatid na sina Inday Sara, Pulong at Baste na pumasok sa politika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by veronica (@veronicaduterte)

Si Kitty ang tanging anak ni Pangulong Duterte sa kanyang kasalukuyang partner na si Honeylet Acuna.

 

Facebook Comments