HomeSocial MediaManunulat, hinimok si BBM na palitan si Clarita Carlos bilang NSA: "She...

Manunulat, hinimok si BBM na palitan si Clarita Carlos bilang NSA: “She is very ill equipped”

Naniniwala ang manunulat na si Krizette Laureta Chu na hindi karapat-dapat si retired University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos na maging National Security Adviser sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Chu na tila hindi naniniwala si Carlos na mayroong nangyayaring recruitment ang New People’s Army (NPA) sa mga eskwelahan at tila malambot ito sa mga komunista.

Ayon kay Chu ay may mga sumukong rebelde na kailangang protektahan ng gobyerno at maaring manganib ang kanilang buhay kung ang magiging NSA ay hindi galit sa mga rebeldeng group.

“The NSA is our CIA. And she is very ill equipped if she doesn’t believe in the years of intelligence reports gathered by your very own armed forces.” ani Chu.
“There are returning rebels your government has to protect. Government officials risked their lives so they can fight the NPA.” dagdag niy apa.
Ayon sa kanya ay napakaimportante ng posisyon bilang NSA kaya’t hindi maaring sabihin na subukan na lamang si Carlos.
“It is your government’s duty to protect everyone who fight against the NPA. We don’t have the luxury of time to “test” or “wait” or “see first” if Prof Clarita Carlos can do well in her job. We cannot ignore the red flags.” aniya.
“It won’t be good for this government if the NPA is given time to regroup and goes after the returnee rebels. It will be on you, President elect Marcos, if they are targeted, and not on Prof Clarita.” dagdag niya pa.
screencap 2022 06 30 at 2.07.03 AM
Matatandaan na sinabi ni Carlos na may kalayaan ang mga estudyante ng UP para mamili ng kanilang paniniwalaan.
“The professors in the university present our student with a buffet of choices on what political philosophy to believe in, when they enroll in our classes. As young adults, they choose which path to take, and take responsibility for their choices,” ani Carlos.
“We don’t choose for them,” dagdag niya pa.
clarita carlos 2
Wala pang sagot ang kampo ni Marcos sa hiling ng manunulat na kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular