HomeCelebritiesKorte Suprema, ipinapatigil muna ang pagiging kongresista ni Rowena Guanzon

Korte Suprema, ipinapatigil muna ang pagiging kongresista ni Rowena Guanzon

Ipinapatigil muna ng Korte Suprema ang naging desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na payagang maging substitute ng mga umatras na nominee ng P3PWD party-list si dating commissioner Rowena Guanzon.

Nagpasa ng Temporary Restrating Order (TRO) ang korte para pigilan muna ang pagiging kongresista ni Guanzon matapos tutulan ng Duterte Youth party-list ang substitution ng dating commissioner ng COMELEC.

Susunod naman daw ang kampo ni Guanzon sa utos ng Korte Suprema.

“We will comply with the TRO and its directive to file Comment. We will seek representation of the OSG po as a matter of procedure,” ani Acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

Ayon sa mga representante ng Duterte Youth na sina Rep. Ducielle Cardema at Ronald Cardema ay dapat hindi payagan si Guanzon na maging substitute ng P3PWD kahit na umatras na ang limang orihinal na nominee nito.

Nagsampa naman ng reklamo si Guanzon laban sa mag-asawang Cardema at nangako na uubusin ang pera nila sa pagbabayad sa abogado.

“Uubusin ko yung pera nya sa gastos niya sa attorney’s fees after all, I have a lot of lawyers and well I’m also a practicing lawyer and professor myself. I don’t mind spending money for attorney’s fees, I like paying lawyers.” sabi ni Guanzon.

Matatandaan na kinontra noon ni Guanzon ang pagiging substitute ni Cardema bilang Duterte Youth representative.

Ito ang nakikitang dahilan ng dating commissioner kung bakit tila gigil na gigil sa kanya si Cardema.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular