HomeCelebritiesKapamilya party-list nominee may banat kay Jed Madela at Martin Nievera: "Bakit...

Kapamilya party-list nominee may banat kay Jed Madela at Martin Nievera: “Bakit sila nagpapasalamat kay Duterte?”

May banat ang nominee ng natalong Kapamilya party-list na si Jerry Grácio laban sa mga ABS-CBN artist na sila Jed Madela at Martin Nievera na nagpakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na dumalo si Jed at Martin sa thanksgiving concert para kay Pangulong Duterte at umawit din sila para sa papaalis ng pinuno ng bansa.

Tanong tuloy ni Grácio, pinapasalamatan din ba ng dalawang singer ang pagsasara ng ABS-CBN na pinagtatrabahuhan nila noon.

“Pakitanong kay Martin Nievera, Jed Madela, atbp kung bakit sila nagpapasalamat kay Duterte–dahil ipinasara ni Duterte ang network na pinagtrabahuan nila? Dahil nawalan ng trabaho ang mga kapwa nila manggagawa sa ABS-CBN? Pakitanong please.” tanong ni Grácio.

Nitong nakaraang araw lamang ay inamin ni Duterte na ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang balaan ang kongreso noon tungkol sa ABS-CBN.

“Tinira ko talaga sila. I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa oath-taking ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot si Jed at Martin sa tanong sa kanila ni Grácio.

Kilala ang nominee ng nasabing party-list sa pagbanat niya sa mga artista na naging parte ng ABS-CBN ngunit sumusuporta kay Duterte at president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ilan sa mga halimbawa ay ang paghimok nito kay Toni Gonzaga na mag-resign sa ABS-CBN matapos itong magpakita ng suporta kay Marcos.

Nag-resign naman ang television host sa kanyang programa sa ABS-CBN kalaunan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular