Home Social Media VP Leni may banat bago matapos ang termino: “Hindi kami tinuring na kakampi at bahagi ng pamahalaan”

VP Leni may banat bago matapos ang termino: “Hindi kami tinuring na kakampi at bahagi ng pamahalaan”

0

May pahaging muli si outgoing vice president Leni Robredo ilang araw bago matapos ang kanyang termino.

Sa huling episode ng kanyang programa sa radyo na “Biserbisyong Leni” ibinahagi nito ang kanyang mga natutunan bilang isang bise presidente sa loob ng anim na taon.

Ayon sa kanya ay natutunan niya na kayanin na mapatakbo ang kanyang opisina sa kabila ng maliit na pondo.

Naniniwala siya na hindi siya itinuring na kakampi ng kasalukuyang administrasyon kaya’t natuto sila na gumawa ng paraan upang makapaglingkod sa bayan.

“Mas gugustuhin namin mas madali, mas gugustuhin namin na ‘pag kailangan ng tulong ng opisina namin ay tutulungan kami. Pero dahil hindi kami tinuring na kakampi, hindi kami tinuring na bahagi ng pamahalaan… natuto kami.” ani Robredo.

“Natuto kaming maghanap ng paraan. To my mind, ‘yun ang nagpahusay sa amin kasi ‘pag mahirap nagiging mahusay ka. ‘Pag mahirap, naghahanap ka ng paraan,” dagdag niya pa.

Ilang netizen naman ang pumalag sa pahayag ni Robredo.

“Excuse me Leni, ikaw yung lumayo sa gobyerno dahil ayaw mo ke Duterte kaya nga lahat ng gawin nya kontra ka hindi ka sumusuporta kaya wag mo sabihin hindi ka tinuring na kakampi ng gobyerno,” wika ni Elizabeth Cabinog.

“Ikaw lang naman po lumalayo sa gobiyerno madam eh.. puro ka batikos sa mga magagandang nagawa ng gobiyerno sa mga pilipino…” komento ni Eric Buenavista.

 

Facebook Comments