Sunday, November 27, 2022
HomeCelebritiesRobin Padilla sa mga kurakot na opisyal: "Di lang mag-asawang sampal, sikmuraan...

Robin Padilla sa mga kurakot na opisyal: “Di lang mag-asawang sampal, sikmuraan din”

Naniniwala si senator-elect Robin Padilla na dapat ay magpakita ng delicadeza ang mga opisyal ng gobyerno na inaakusahan ng korapsyon.

Sa kanyang pahayag, tinawag na “heinous” ni Padilla ang pangungurakot.

Ayon sa kanya ay mas mainam na kapag inakusahan ng korapsyon ang isang opisyal ay mag-resign na kagad ito.

“Dapat diyan di lang mag-asawang sampal…dapat sikmuraan din… Sana maging uso na rin sa atin ‘yung kapag naimbestigahan ka resign na agad,” ani Robin.

Naniniwala si Padilla na dapat ay mauso na ang pagre-resign ng mga opisyal kahit na iniimbistigahan pa lamang sila.

“Kung sino ‘yung mapapatunayan diyan, dapat mag-resign ka. Dapat uso na sa Pilipinas yung resignation, kapag medyo naimbestigahan ka, mag-file ka na agad ng resignation.” sabi ng numero unong senador nitong halalan.

“Kasi sana magkaroon na tayo ng delicadeza. Hindi yung naimbestigahan ka.. Kapit-tuko pa rin,” dagdag niya pa.

Hindi naman nagbanggit si Padilla ng mga politiko na maaring humaharap ngayon sa isyu ng korapsyon.

Matatandaan na sa ibang bansa katulad ng Japan ay mabilis na nagbibitiw sa pwesto ang mga opisyal na humaharap sa mga isyu katulad ng korapsyon.

Si Padilla ang kandidato na nakakuha ng pinakamaraming boto sa pagkasenador.

Kaya naman madaming netizen ang nag-aabang sa kanyang magiging performance sa senado.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular