HomeCelebritiesRep. Toby Tiangco atbp. kasama sa listahan ng mga diumano'y taga protekta...

Rep. Toby Tiangco atbp. kasama sa listahan ng mga diumano’y taga protekta ng rice smugglers

Ibinunyag ng Senate Committee of the Whole nitong Lunes ang mga diumano’y kilalang personalidad na sangkot sa smuggling ng mga agricultural products na nagpapadagdag pahirap sa taumbayan.

Sa 63-pahinang report ng nasabing komite ay umabot sa P667.5-M ang halaga ng mga smuggled na agri product mula 2019 hanggang 2022.

Pinangalanan din  nasabing report ang diumano’y mga protektor ng mga smugger.

Eto ay sina:

  • Incoming Navotas Rep. Tobias “Toby” Tiangco
  • Bureau of Customs Commissioner Rey Guerrero
  • Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan
  • Bureau of Plant Industry Director George Culaste
  • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona
  • BPI Plant Quarantine Services Division Laarni Roxas
  • Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro
  • Customs Deputy Commissioner Vener Baquiran
  • Director Geofrey Tacio ng Customs Intelligence and Investigation Service
  • Import and Assessment Yasser Abbas.

Samantala ay ipinagtanggol nila Senador Joel Villanueva at Nancy Binay si Tiangco mula sa mga akusasyon.

“Naniniwala po tayo sa malinis na intensyon at masigasig na commitment ni Mayor Toby na puksain ang smuggling sa Navotas,” ani Villanueva.

“Unfair ito sa kanya and I personally believe na ang Toby Tiangco na kasama sa listahan ay hindi si Mayor Toby Tiangco na kalaban ng mga smugglers,” dagdag niya pa.

“Napaka-imposible at no way na maging protector si Mayor Toby. I know him personally and I believe his name shouldn’t have been in the list in the first place,” wika ni BInay.

“Sa totoo lang, ever since, sobrang active ni Mayor Toby laban dyan sa pagpuslit ng mga BFAR imported products. Sa mga nangyayaring milagro doon sa mga entry points sa Navotas, si Mayor mismo ang sumulat sa DA para i-report ang smuggling—pero dedma lang ang DA,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular