HomeCelebritiesLolo na si Yorme! Joaquin Domagoso, mayroon ng anak sa isang aktres

Lolo na si Yorme! Joaquin Domagoso, mayroon ng anak sa isang aktres

Ikinasupresa ng mga netizens sa social media ang ilang ulat tungkol sa diumano’y pagiging ama ng 20-anyos na anak ni outgoing Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na si Joaquin.

Sa kanyang programa, ibinunyag ng kolumnista na si Cristy Fermin na opisyal ng lolo si Yorme dahil sa pagkakaroon ng anak ni Joaquin kay Raffa Castro, nakababatang kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castr.

joaquin raffa 1

Matatandaan na isang blind item ang lumabas noon sa isang aktor na nakatakdang maging ama at ilang netizens ang hinulaan na si Joaquin ito.

Si Raffa ay anak ng news anchor ng One News PH na si Diego Castro.

Wala diumanong balak ang aktor na itago ang kanyang relasyon kay Raffa at hindi lamang ito nagsalita dahil sa masyado siyang abala sa kanyang career.

Pinangalanan nilang Scott Angelo ang nasabing baby na kinuha sa orihinal na palayaw ni Yorme.

“Lolo na po si Mayor Isko Moreno. Dahil po sa lumabas na kuwento nu’ng kasagsagan ng kampanya hanggang eleksyon na hindi po nila kinontra at hindi rin po sinang-ayunan,” sabi ni Nay Cristy.

“Heto po, ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso na kamukhang-kamukha raw ni Mayor. Batang lalaki na pinangalanan nilang Scott. Alam mo ba kung ano’ng tawag kay mayor sa Tondo ng mga kapitbahay niya? Iskat, parang Iska. Nakakatuwa, lolo na si Yorme,” dagdag niya pa.

“Napaka-cute raw po ng baby ni Joaquin Domagoso, ang tambok-tambok ng pisngi, ang taas ng ilong at ang guwapo-guwapo,”

yorme 1

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Joaquin ay Yorme sa dumating na bagong parte ng kanilang pamilya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular